5.19.2003

gising ako kagabi hanggang a las tres ng umaga, galing ko lang sa library at walang magawa. kaka-graduate lang nila ann, shereen, at courtney kahapon: ibig sabihin, tapos na sila dito sa berkeley. kakaiba rin ang naramdaman ko nung napansin ko na hindi ko na sila makikita araw-araw. minsan, pinapangarap ko kung paano man lang nag-iba ang buhay ko kapag nakipag-usapan kaming lahat. kunwari, kapag nag-uusap kami ni jon, tuwang-tuwa ako kasi nakikilala ko siya, at minsan nag-iiba ang pag-iisip ko sa kanya. problema nga lang, tapos na siya sa sabado, at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa buhay niya, katulad ng maraming tao dito.

hindi ko maalis sa isip ko na ang karamihan ng mga kaibigan ko dito ay tapos na sa kanilang edikasyon dito sa berkeley. yung iba, napagod na sa banda, at hindi na babalik sa programa. magkaibigan pa rin kaming lahat, ano pa, pero hindi ko maisip na ang dami sa kanila na hindi babalik. at ang pinakanakakainis, hindi ko alam kung kailan ko uli makikita itong mga taong to.

lilipat na nga ako sa apartment, pero hindi ko pa rin alam kung natapos na nung mama ko yung mga papeles, kaya hindi ko pa rin alam kung kailan ako aalis sa th at lilipat sa apartment. putanginang housing, nakakaasar lang.

ewan ko kung bakit, pero pinakikinggan ko lang lahat ng mga dinownload kong kanta. ang galing talaga ni justin timberlake, gusto ko yung tugtog nya, di bale na dating nsync siya. magaling siyang artista, yun lang naman ang kailangan mo para sa akin.

kailangan ko rin ng pera, at bagong computer.

sana naman, hindi ako malilimutan nitong mga kaibigan kong aalis. mahal ko lahat sila.

[you know you want a translation. ask someone who speaks tagalog, or email me.]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home